Just another Friendster Blogs weblog

MAHAL KITA INAY

By Nitz
A tribute to all mothers
Advance Happy Mother’s Day

Sa daigdig ako’y kaypalad
Dugo ng buhay, nagkalaman
Pumintig, nagkatawan
Liwanag ay namasdan

Ako’y kapilas ng iyong laman
Iningatan sa sinapupunan
Ipinusta ang buhay sa pagsilang
Ako’y pinalaking busog sa pagmamahal.

Sa bawat tagumpay na nakakamit
Ika’y nagpapaalala bawat saglit
Magpasalamat sa biyayang mula sa langit
Subalit pananampalataya’y huwag ipagpalit.

Batid kong ika’y nalulumbay
Kung pangaral mo’y sinusuway
Tumatangis mag-isa sa sulok ng bahay
Patawad Inay sa sama ng loob na ibinigay.

Dakila ang pag-ibig mo Inay
Pagmamahal ko’y nais ialay
Sa kabila ng mga pagsuway
Sana’y malaman mong mahal kita Inay.

Ikaw lang ang tanging yaman ko sa mundo
Sapagkat kaloob ka ng Diyos sa buhay ko
Ang tanging nakakaunawa sa aking pagkatao
Ang liwanag sa landas na tinutunton ko.

Pangako Inay, ‘di ka na luluha
Sapagkat tangan ko ang pangaral saan man mapunta
Ang Panginoon ang lagi kong kasama
Salamat Inay, mahal na mahal kita.

April 23rd, 2009 at 8:08 am and tagged  | Comments & Trackbacks (1) | Permalink

NAIS KO

ni Nitz Frondarina
Dedicated to all concerned OFW
 
Nais ko’y marinig kaylambing mong tinig
Pumapawi sa bawat agam-agam sa dibdib
Nais ko’y masilayan, ngiti mong kaytamis
Nagbibigay liwanag sa madilim na daigdig.
Nais ko’y madama, yakap mong kayhigpit
Sa katawa’y pinapalis, nanunuot na lamig
Nais ko’y ikaw, magandang tanawin sa hardin
Nagbibigay kulay, tulad ng bulaklak sa paligid.
Sa aking pagmamasid, bumalik sa aking alaala,
Mga tanawin sa paligid, tila nagbago na
Mula ng lumisan ka, ‘di na mapayapa
Tanong sa isip, ako kaya’y babalikan mo pa?
Sa iyong paglisan upang mangibang bayan
Puno ng pag-ibig, pangako ng puso’y walang hanggan
Sa ibang bayan, tutuparin ang isang pangarap
Pangarap na binulid ng dalawang pusong nag-iibigan.
Sa bawat oras, araw, buwan at taong nagdaraan
Puso at isip ko’y ikaw lamang ang siyang laman
Ngunit sa dibdib ko’y meron ng pag-aalinlangan
Pakiwari ko, damdamin mo’y lumamig na ng tuluyan.
May katuparan pa kaya ang bawat pangarap na inihugis?
May pagkakataon pa kayang maibigay ang aking nais?
O tuluyan na bang ang puso’y mahahapis?
Sa kumunoy ng lungkot at dusa’y maghihinagpis.
March 11th, 2009 at 8:32 am | Comments & Trackbacks (0) | Permalink

PAANO KITA MAPAPASALAMATAN
Ni Nitz Frondarina

Kabutihan Mo Ama, hindi matatawaran
Pag-ibig Mong dakila, inilaan sa bayan
Inialay, bugtong na anak para sa mga nilalang
Tinubos ang sangkatauhang batbat ng kasalanan.

Ama, sa mundong ito ako’y aba lamang
Ngunit sa pananampalataya, ako’y iyong pinayayaman
Sa kabila ng mga kakulangan at kahinaan, ako’y iyong hinirang
Sabihin Mo Ama, paano kita mapapasalamatan?

Mga biyaya’y patuloy na ipinagkakaloob
Kapos man sa pangangailangan, sapat para makaraos
Higit sa lahat ang buhay na kaloob
Napakabuti Mo Ama, paano kita mapapasalamatan?

Sa kalumbayan, ako’y iyong niyayakap
Nagpapalakas ng loob sa tuwing dinadalaw ng kahinaan
Sa kabagabagan, alay Mo’y kapanatagan
O Ama, paano kita mapapasalamatan?

Sa karimlan ng buhay, Ikaw ang siyang tanglaw
Liwanag ang hatid tungo sa Iyong Bayan
Sa mundong ito, batid kong ako’y naglalakbay lamang
Lakas ko’y Ikaw Ama, paano kita mapapasalamatan?

Sa mga pagsalangsang, patawad ang iginagawad
Nililinis ang puso sa lahat ng karumihan
Pinupunan ang mga pagkukulang
Ama, paano kita mapapasalamatan?

Paano kita mapapasalamatan?
Sa kadakilaan Mo’y walang maitutumbas
Tanging alay ko’y sambahin Ka’t paglingkuran
At sundin lahat ng Iyong kalooban.

February 17th, 2009 at 6:22 am | Comments & Trackbacks (0) | Permalink


I DO
By Nitz Frondarina

How sweet it is to be loved and cherished
When I see you care deeply about my feelings
Your sweet voice and your lovely smile
Could bring my spirit to a thousand miles.

You are the one who makes me feel fine
You’re always in my dreams and on my mind
You’ve made me leave the pain of bygone times
Listen to my heart and hear the chimes.

When darkness envelops my soul
You are the light that elluminates my world
The light that guides me through
You’ve made me start anew.

With you, I want to spend my whole life through
Forever, I promise to love and care for you
I will hold on to no matter what we’re going through
I can’t wait the day until we say “I do”.

Given a chance or a moment to promise you
I will love you today and tomorrow
I will love you till the day we get old
I will love you even beyond this life
For my love is eternal and I mean it when I say “I DO”.


http://www.youtube.com/watch?v=St_KoOdS3qM

February 8th, 2009 at 7:44 pm | Comments & Trackbacks (0) | Permalink
January first. The beginning of a new year. As far back in history as we can tell, people have celebrated the start of a new year. Today, most people celebrate New Year’s Day on January first. People observe the New Year’s holiday in many different ways. The idea of admitting mistakes and finishing the business of the old year is found in many cultures. So is the idea of making New Year’s resolutions. A resolution is a promise to change, do something different or something better in the coming year to improve one’s self. Did you ever think of that before the new year came? If not, then it’s time to get your pen and jot down the list of some of the things you want to change or improve. Then you must do it in action. After a year, examine your lists, see if you have accomplish at least one of them.
 
Here are some of my new year’s resolutions that I can share to you. Personals will be mine to keep.
 
1. Fix all unfinished business.
 
2. Save, save and save.
 
3. Stay fit and healthy.
 
4. To be more productive.
 
5. Pursue my application to another country.
 
6. Fully pay the motorcycle.
 
7. Establish a business in the Philippines (Internet Cafe).
 
8. Give additional business capital to my parents by mid year.
 
9. Travel to Baguio with my Sweetheart.
 
10. Deduct some people I considered friends who misjudged me and/or have messed up my life hmmm.. I think I’ve already done that.
 
11. Forget the bad things they’ve done to me and remember only the days they shone up lights on my face(smiles).
 
12. Remain humble and let enormous love dwell on my heart to forgive all people who have betrayed me and let there be no room for hatred upon them.
 
13. Go back to where my heart is (the church choir).
 
14. Finally, tie the knot.
‘Yan! magpapakasal na kami ng minamahal ko invited kayong lahat. Goodluck! Happy New Year to all!
January 1st, 2009 at 8:24 am | Comments & Trackbacks (0) | Permalink

FRIENDS by Nitz Frondarina

I’ve gone through many miles in my life
Along the way, I’ve met people from all walks of life
Many that I couldn’t imagine to count
People that somehow left marks of joy & sadness in my heart.

Some of them I addressed as friends
Since they spiced up my life in a way
They made me laugh, they made me cry
They even enlightened my worried mind.

Some friends just hang around for a reason
Perhaps, up to something that I could give
Or kinda find the feeling of befriending me
Might be curiousity or simply kind to befriend me.

I got lots of friends as I trudged the earth
But out of the many I filtered out very few
Friends that I treasure in store
People who sheltered me from storm.

I have chosen you to be among the few
Simply because you’re kind
You bear a good heart that could delight a soul
You love God, your family and friends
     That’s superior of all!

December 25th, 2008 at 7:47 pm and tagged , ,  | Comments & Trackbacks (0) | Permalink

BALATKAYO by Nitz Frondarina

 

Bawat pintig yaring pusong umiibig

Nagsusumigaw ng katugon sa isang panig

Natatangi’t dalisay na pag-ibig

Kapantay ay langit, hahamakin ang daigdig.

 

Tinig mo’y awit ng kaluluwa ko

Ang masilayan ka’y kaligayahan ng puso

Bawat ngiti mo’y nagbibigay kulay sa mundo

Kaygaan ng pakiramdam, ‘yan ang sa puso’y tumitimo.

 

Sa kabila ng kaligayahang dulot mo

Ramdam sa isang sulok, kahungkagan ng puso

Wagas kong pag-ibig, tunay at puro

Sukli mo’y pagmamahal na mapagbalatkayo.

 

Pag-ibig mo, kung pag-ibig ngang matatawag

Pangako’y isang libo’t isang kaligayahang hindi pala ganap

Sa kabila ng mga halakhak, kalungkuta’y maaaninag

Sapagkat lahat ng pangako’y walang natupad.

 

Matatamis na nakaraang ating pinagsaluhan

Ibayong pagdurusa ang ngayo’y ipinaramdam

Masasayang alaalang sa aki’y iniwan

Pasakit din pala sa kahuli-hulian.

 

Balon ng luha’y naging bukal at sagana

Nagkapira-pirasong puso, anong hirap mapagsama-sama

Pilit kong bubuuin upang kapayapaan ay madama

Kaylupit ng tadhana subalit matibay na babangon sa pagkakadapa.

December 22nd, 2008 at 6:24 pm and tagged , ,  | Comments & Trackbacks (3) | Permalink

 

Sinulat ni: Erlinda Calalang Zabella
Ontario – Canada
December 16, 2008

Munting Nayon News

Pag sumasapit ang mga buwan ng Nobyembre hanggang sa buwan ng Enero ay maraming Pilipino ang nagsisiuwi sa Pilipinas. Maganda kasi ang panahon at masasaya ang mga tao. Higit sa lahat, nadarama ng mga nagsisi-uwing mga Pilipino ang tunay na diwa ng Pasko, dahil kapiling nila ang kanilang mga mahal sa buhay, gayundin, kasama silang nagsisigalaw at kumikilos ng ayon sa kanilang kinamulatang tradisyon, at pagdiriwang.

Kadalasan, Mayo pa lamang ay nakabili na sila ng mga tiket pauwi. Mayo pa lamang ay naghahanda na sila ng mga kailangang dalhin at ipasalubong. Madalas ding may mga kahon-kahon pa silang pasalubong na ipinadadala sa pamamagitan ng “Door to Door.” Sa ganoong paraan, sigurado silang mabibigyan ng pasalubong ang lahat ng kanilang mga mahal sa buhay, na kasiyahan na nilang gawin.

Dahil sa labis na pananabik na makauwi, madalas nilang maikuwento sa kanilang mga kaibigan na uuwi sila sa ganito at ganoong petsa, at dahil naging kaugalian na nating mga Pilipino ang Pakikidala, kayrami tuloy ang nakikidala na hindi naman sukat matanggihan ng nagsisi-uwi.

Sabi ng magdadala:

Nakakahiya naman kung tatanggihan ang mga malalapit na kaibigan, na madalas ay magtampo kapag hindi tinanggap ang padala.

 

Madalas mawika ng tinanggihan na:

“Para yon lang ay hindi pa madala. Parang wala akong ipinakisama.”

 

Wika naman ng magdadala:

”Kahit pa nga sabihing

kung puwede lang ay maliit na bagay lang ang ipakidala, ay kung bakit madalas, higit pa sa isang maliit na bagay ang ipinakikidala.”

 

 

Dahil dito nagiging alalahanin pa ng nagdala ang pagbibigay ng mga ipinakidala sa mga kinauukulan, bukod pa, sa nakadadagdag pa ang mga ito sa napakarami na nilang mga bitbit at dala-dalahan.

 

Bakit nga ba naging kaugalian na natin na pag may uuwi ay nakikidala tayo? Dahil ba sa inaakala nating hindi naman tayo tatanggihan ng ating pinakikidalhan? Dahil din ba sa tinatapangan na lang natin ang ating hiya dahil gusto rin nating mabigyan ng kasiyahan ang ating mga kapamilya, kamag-anak, at kaibigan? Dahil din ba sa mahigpit ang kanilang mga pangangailangan sa pananalapi na kailangang mapadalhan kaagad-agad, at mas malaki ang magiging kapalit ng dolyar kung ang mga tumanggap ang siyang magpapalit sa Pilipinas, dahil maaaring ipalit sa “black market.”

Ang makapagbigay ng kasiyahan sa iba ay isang kaugaliang napakaganda, kaya nga kahit tayo mahirapan ay may ngiti pa rin sa labing tinatanggap natin ang mga padala. Katwiran natin ay kaysa naman magtampo sa atin ang ating mga kaibigan, at paratangan tayong walang pakikisama ay mabuti ng bitbitin na lang ang ipinakikidala.

Ang mga tumanggap naman, kung magkaminsan ay may loob din sa mga nagdala. Sila na ang nagkukusang tumatawag at kumukuha ng mga ipinadala sa kanila, kaya hindi na suliranin ang pagdadala sa mga kinau-ukulan. Madalas ding nagdadala naman sila ng kahit anong pakunsuwelo sa mga pinakidalhan tulad ng mga prutas at iba’t ibang masasarap na kakanin, na alam nilang kinsasabikan ng mga nagsisi-uwing balikbayan.

Subalit hindi laging ganito ang nangyayari. Kung may mga nakikidala na iniisip din ang magiging kalagayan at kakaharaping paghihirap ng mga pinakidalhan, marami rin ang nagsasamantala at ang naiisip lamang ay ang magiging kasiyahan ng mga tatanggap ng kanilang ipinakidala.

Mayroon akong kakilala na nagkaroon ng malungkot na karanasan tungkol sa mga padala. Mabait palibhasa at mapagbigay, hindi siya tumatanggi kapag may nakikidala sa kanya.. Ang kakilala kong ito ay tawagin na lang natin sa pangalang Celia.

Ang Masakit na Karanasan nina Celia Kaugnay ng Padala

 

Kasalukuyang kumakain ng tanghalian sina Celia ng magkiriring ang telepono.

Dahil ayaw niyang maabala sa pagkain ay hindi niya ito sinagot.. Sa loob-loob niya ay titigil din ang kung sino mang tumatawag.

Ngunit hindi tumigil ang kung sino mang tumatawag. Paulit-ulit na nagkiriring ang telepono, kaya kahit nasa kalagitnaan pa lang ng kanyang pagkain ay napilitan tuloy si Celiang sagutin ang telepono.

“Hello”, kahit naabala ay mapitagan pa ring tugon ni Celia.

“Hello, Celia. Si Carmen ito. Nabalitaan kong uuwi raw kayong mag-anak. Kailan ba ang uwi ninyo?

“Ikaw pala Carmen, sa ika 15 ng Disyembre. Hahabol kami ng Simbang Gabi sa atin, para naman maranasan naming muli ang Simbang Gabi at para rin maranasan ng aming mga anak. Teka sandali Carmen, iinom lang ako ng tubig. Kumakain kasi kami nang tumawag ka.”

“Ganoon ba, pasensya ka na, exited lang kasi ako ng mabalitaan kong uuwi raw kayo. Tapusin mo na muna ang pagkain mo at mamaya na ko tatawag ulit.” Hinging paumanhin ni Carmen.

“Hindi, tapos na ko. Nakainom na nga ako ng tubig. Sige, ituloy mo na yang sinasabi mo.”

“Isang linggo na lang pala at lilipad na kayo. Ilan ba kayong uuwi.”

“Kaming lahat, Bakit mo naitanong.” Kahit nahuhulaan na ni Celia ang dahilan ng pagtawag ng kaibigan ay itinanong pa rin niya.

“Dahil marami naman pala kayong uuwi, ay hindi naman siguro maka-aabala kung makidala ako para kina nanay at sa mga kapatid ko diyan sa Pinas. Puwede ba Celia.”

Sandaling natigilan si Celia. Tinapunan siya ng makahulugang tingin ng asawa Ang dami na kasi nilang dala-dalahan, bukod pa sa ilan ng padala na kanila ng tinanggap. Matalik na kaibigan palibhasa kung kaya’t hindi niya nakuhang tumanggi.

“Yon lang pala Carmen. Kailan mo puwedeng dalhin dito ang ipadadala mo, yon nga lang marami na kaming mga dala, dahil alam mo naman parehong malaki ang pamilya namin ni Tony, kaya kung maaari sana ay konti lang ang ipakidala mo.” Himig pakiusap na tugon ni Celia.

“Huwag kang mag-alaala Celia. Konti lang ang aking ipakikidala. Siguro sa Linggo ng hapon kami pupunta riyan. Okey ba yon sa inyo?

“Okey lang yon Carmen. Mga alas tres ng hapon kayo magpunta rito. Tamang-tama sa pag-eempake namin.”

Kinalingguhan, bagaman at pagod na ay naghanda pa rin si Celia ng pangmiryenda. Pamiminandalin pa niya ang kanyang kaibigang nakikidala. na maaga pa sa alas tres ay nakita na niyang pumaparada sa kanilang harapan.

Gayon na lamang ang panlalaki ng kanilang mga mata ng makita nila ang mga bitbit ng mag-asawang Carmen. Halos hindi sila makapaniwala. Mga kalahating maleta siguro. Masama man ang loob ay nakangiti pa ring pinapasok nila ang mag-asawa.

“Naku! Carmen, Tony, pasensya na kayo dito sa mga ipakikidala namin Di naman siguro kayo sosobra sa timbang dahil apat naman kayong uuwi. Tig-iisa lang naman ang binili namin para sa pamilya ko, at nakakahiya naman kung wala ang pamilya ng asawa ko, kaya ibinili ko na rin sila. Sana madala ninyong lahat, at sana rin huwag ninyong tanggihan ang konting perang ito. Paskong Pasko naman at siyempre kailangan din nilang mamili at maghanda para sa Pasko.” Banayad na wika ni Carmen.

“Mga magkano ba ang ipadadala ninyo?” matapos lumunok ng laway ay tanong ni Carmen.

“Tigtatatlong daan lang naman. Tatlong daan sa amin, at tatlong daan sa pamilya ng asawa ko. Okey ba yon sa inyo.”

“Matagal na hindi nakasagot ang mag-asawang Celia. Naisip nilang isang napakalaking intindihin ang pagdadala ng pera. Marami pa naman silang nababalitaang mga nakawan sa Pilipinas. Ngunit hindi pa rin nila nakuhang tumanggi.

Ang masakit, sumobra sa timbang ang mga dala-dalahan nina Celia. Kinailangan tuloy magbawas sila ng kanilang mga pasalubong. Punong-puno tuloy ang kanilang mga hand carry. Panay ang reklamo ng kanilang mga anak na lubhang nabigatan sa kanilang mga dala-dalahan. Dahil pa rin sa dami ng kargada, kung kaya, natagalan sila bago nakalabas ng paliparan. Gutom na gutom at pagod na pagod na silang mag-anak ng makita nila ang mga nainip at nakatulog na nilang mga nagsisundong kamag-anak. Dahil sobra silang natagalan, natikitan pa ang mga ito.

Sila pa rin ang naghatid sa mga kinau-ukulan ng mga padala. Napakalaking abala na hindi sana dapat na mangyari, kung naging maunawain lang at hindi nagmalabis sa kanilang kabaitan ang kanilang kaibigan.

Mga giliw na mambabasa ng Munting Nayon, sa palagay ko, hindi masama ang makidala, pero sana naman maging maunawain kayo sa magiging kalagayan ng inyong pakikidalhan. Alalahanin natin lagi ang kasabihang “Ang ayaw mong gawin sa iyo, Huwag mong gawin sa kapwa mo”

 

Maligayang Pasko sa inyong Lahatwww.mnnetherlands.com

December 17th, 2008 at 9:01 pm | Comments & Trackbacks (0) | Permalink

It’s 12:31 AM. My friend “insomia” has come to visit me again.  Winter has begun, it’s so freezy. I laid my back on my bed covered with winter blankets, I closed my tired eyes but as I attempt to rest my exhausted body I can’t catch sleep. I changed position frequently but still sleep was wild so I decided to open my PC and tap on the keyboard. I write a poem inspired by my only Sweetheart. Now it’s clear, the cause of this sleepless night is missing someone very special. Yes, I miss my sweetheart Ed huhuhuhu. Sweetheart, antagal ng June. Miss na kita sobra! I love you so much.

November 27th, 2008 at 9:57 am | Comments & Trackbacks (0) | Permalink

Can you save a life? In an emergency, when every second is criticial, would you know what to do?

According to recent statistics sudden cardiac arrest is rapidly becoming the leading cause of death in America. Once the heart ceases to function, a healthy human brain may survive without oxygen for up to 4 minutes without suffering any permanent damage. Unfortunately, a typical EMS response may take 6, 8 or even 10 minutes.

It is during those critical minutes that CPR can provide oxygenated blood to the victim’s brain and the heart, dramatically increasing his chance of survival. And if properly instructed, almost anyone can learn and perform CPR.

The air we breathe in travels to our lungs where oxygen is picked up by our blood and then pumped by the heart to our tissue and organs. When a person experiences cardiac arrest - whether due to heart failure in adults and the elderly or an injury such as near drowning, electrocution or severe trauma in a child - the heart goes from a normal beat to an arrhythmic pattern called ventricular fibrillation, and eventually ceases to beat altogether.This prevents oxygen from circulating throughout the body, rapidly killing cells and tissue. In essence, Cardio (heart) Pulmonary (lung) Resuscitation (revive, revitalize) serves as an artificial heartbeat and an artificial respirator.CPR may not save the victim even when performed properly, but if started within 4 minutes of cardiac arrest and defibrillation is provided within 10 minutes, a person has a 40% chance of survival.

 

  The circulatory system
 
Invented in 1960, CPR is a simple but effective procedure that allows almost anyone to sustain life in the first critical minutes of cardiac arrest. CPR provides oxygenated blood to the brain and the heart long enough to keep vital organs alive until emergency equipment arrives.To make learning CPR easier, a system was devised that makes remembering it as simple as A-B-C: 

It is critical to remember that dialing 911 may be the most important step you can take to save a life.
 
If someone besides you is present, they should dial 911 immediately. If you’re alone with the victim, try to call for help prior to starting CPR on an adult and after a minute on a child. Before we learn what to do in an emergency, we must first emphasize what not to do:

  • DO NOT leave the victim alone.
  • DO NOT try make the victim drink water.
  • DO NOT throw water on the victim’s face.
  • DO NOT prompt the victim into a sitting position.
  • DO NOT try to revive the victim by slapping his face.
  Provide operator with:
1. Your location
2. Your phone number
3. Type of emergency
4. Victim’s condition
 
Always remember to exercise solid common sense!
When faced with an emergency situation we may act impulsively and place ourselves in harm’s way. Although time should not be wasted, only approach the victim after determining that the scene is safe: always check for any potential hazards before attempting to perform CPR

American Heart Association’s guidelines dictate that Adult CPR is performed on any person over the age of 8. The procedure outlined in the following lessons is similar to Children CPR and Infant CPR, although some critical differences apply.

Before you start any rescue efforts, you must remember to check the victim for responsiveness.

If you suspect that the victim has sustained spinal or neck injury, do not move or shake him. Otherwise, shake the victim gently and shout “Are you okay?” to see if there is any response. If the victim is someone you know, call out his name as you shake him.

If there is no response, immediately dial 9-1-1 and check the airway

AIRWAY

“A” is for AIRWAY. If the victim is unconscious and is unresponsive, you need to make sure that his airway is clear of any obstructions. The breaths may be faint and shallow - look, listen and feel for any signs of breathing. If you determine that the victim is not breathing, then something may be blocking his air passage. The tongue is the most common airway obstruction in an unconscious person.

With the victim lying flat on his back, place your hand on his forehead and your other hand under the tip of the chin (Figure 1). Gently tilt the victim’s head backward. In this position the weight of the tongue will force it to shift away from the back of the throat, opening the airway (Figure 2).

If the person is still not breathing on his own after the airway has been cleared, you will have to assist him

BREATHING

“B” is for BREATHING. With the victim’s airway clear of any obstructions, gently support his chin so as to keep it lifted up and the head tilted back. Pinch his nose with your fingertips to prevent air from escaping once you begin to ventilate and place your mouth over the victim’s, creating a tight seal (Figure 1).

As you assist the person in breathing, keep an eye on his chest. Try not to over-inflate the victim’s lungs as this may force air into the stomach, causing him to vomit. If this happens, turn the person’s head to the side and sweep any obstructions out of the mouth before proceeding.

Give two full breaths. Between each breath allow the victim’s lungs to relax - place your ear near his mouth and listen for air to escape and watch the chest fall as the victim exhales (Figure 2).

If the victim remains unresponsive (no breathing, coughing or moving), check his circulation

CIRCULATION“C” is for CIRCULATION. In order to determine if the victim’s heart is beating, place two fingertips on his carotid artery, located in the depression between the windpipe and the neck muscles (Figure 1), and apply slight pressure for several seconds.If there is no pulse then the victim’s heart is not beating, and you will have to perform chest

 

   1. Carotid artery  

 

 

 

COMPRESSIONSWhen performing chest compressions, proper hand placement is very important. To locate the correct hand position place two fingers at the sternum (the spot where the lower ribs meet) then put the heel of your other hand next to your fingers (Figure 1).Place one hand on top of the other and interlace the fingers (Figure 2). Lock your elbows and using your body’s weight, compress the victim’s chest. The depth of compressions should be approximately 1½ to 2 inches - remember: 2 hands, 2 inches (Figure 3). If you feel or hear slight cracking sound, you may be pressing too hard. Do not become alarmed and do not stop your rescue efforts! Damaged cartilage or cracked ribs are far less serious then a lost life. Simply apply less pressure as you continue compressions.

Count aloud as you compress 30 times at the rate of about 3 compressions for every 2 seconds. Finish the cycle by giving the victim 2 breaths. This process should be performed four times - 30 compressions and 2 breaths - after which remember to check the victim’s carotid artery for pulse and any signs of consciousness.

If there is no pulse, continue performing 30 compressions/2 breaths, checking for pulse after every 4 cycles until help arrives.

 

 

   1. Locate sternum2. Proper hand placement3. Two hands, two inches  

 

If you feel a pulse (i.e. the victim’s heart is beating) but the victim is still not breathing, rescue breaths should be administered, one rescue breath every five seconds (remember to pinch the nose to prevent air from escaping). After the first rescue breath, count five seconds and if the victim does not take a breath on his own, give another rescue breath.
November 22nd, 2008 at 9:11 am | Comments & Trackbacks (0) | Permalink